Nakibahagi si US President Donald Trump sa iba pang mga world leaders na nagbigay pugay sa mga beterano at bayani ng World War II sa tinaguriang beach landings sa Normandy sa France.
Batay sa kasaysayan, June 6, 1944 ay nag-landing ang puwersa ng Allied forces sa limang Normandy beaches na tinaguriang “biggest naval operation” sa kasaysayan ng mundo.
Ang beach landings na binansagang “the longest day” ay kinabibilangan ng 156,000 Allied troops, 20,000 mga sasakyan at battle tanks at mga warships ay nagsama-sama sa pag-atake sa Northern France na noong panahong ‘yon ay inukupahan ng Nazi-troops ni Hitler.
Ang puwersa armada na pinagsama ng maraming mga bansa ang siyang nagbigay daan upang tuluyang magapi ang pananakop ni Hitler sa Europa.
Samantala, nanguna rin sa paggunita sa makasaysang panalo o D-Day ng Allied forces ngayong araw ay sina French President Emmanuel Macron, British Prime Minister Theresa May, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Queen Elizabeth II at iba pang mga world leaders.
“Standing here as the waves wash quietly onto the shore below us, it’s almost impossible to grasp the raw courage it must have taken that day to leap from landing craft and into the surf, despite the fury of battle,” ani May bilang tribute sa D-Day veterans.
“It is time to remedy the fact that no memorial pays tribute to the United Kingdom’s contribution to the Battle of Normandy,” bahagi naman nang pagkilala ni Macron sa UK troops para sa liberation ng Pransiya.
Inaasahan ang pagdalo sa iba pang programa nina Prince Charles at Camilla, Duchess of Cornwall.
Maging si Pope Francis ay nagpaabot din ng kanyang mensahe kaugnay ng naturang mahalagang okasyon.
Sinabi ng Santo Papa ang Normandy landings ay mahalagang laban kontra sa “Nazi barbarism” kasabay nang tribute din niya sa mga beterano ng giyera na naging bahagi ng Army “and gave their lives for freedom and peace.”
Kabilang naman sa aktibidad ni Trump ay pag-aalay din ng bulaklak at panalangin sa bahagi ng Omaha Beach kung saan umaabot sa 9,400 US servicemen ang nakalibing doon.
“Heading over to Normandy to celebrate some of the bravest that ever lived,” bahagi ng tweet ni Trump bago lumapag ng France. “We are eternally grateful!”
Si Trump ay kagagaling lamang sa state visit niya sa UK kasama si First Lady Melania Trump.