Hinimok ng mahigit 100 dating mga prime ministers, presidente at foreign ministers ang kabilang sa Group of Seven (G7) na mayayamang bansa na tumulong na bayaran ang two-thirds ng $66 billion na kailangan para sa vaccination ng mga mahihirap na bansa.
Kabilang sa mga signatories si dating British premier Gordon Brown at Tony Blair, dating UN Sec. Gen. Ban-Ki Moon at 15 dating African leaders.
Ginawa ng world leaders ang naturang apela bago ang G7 summit sa England na magsisimula sa Biyernes kung saan nakatakdang makipagkita si US Pres. Joe Biden sa mga lider ng prominenteng bansa na kabilang sa G7 mula sa Britain, France, Germany, Italy, Canada at Japan.
Ito ang unang pagkakataon na pagkikita ng mga G7 leaders mula ng magkaroon ng pandemya.
Tatalakayin sa 3-day summit ang iba’t ibang mga usapin na nakapokus kung paano pangungunahan ng naturang grupo ang global recovery mula sa health crisis.
Sa Britaniya, 79% ang pabor sa naturang panukala, nasa 79% naman ang pabor s Amerika habang maliit lamang na porsyento ang pabor sa France na nasa 63%.
Samantala, sinabi naman ni UK Prime Minister Boris Johnson na hihikayatin niya ang iba pang G7 leaders sa summit para makabuo ng kongkretong commitment para sa vaccination ng lahat ng bansa at suporta sa Global Pandemic Radar. (with report from Bombo Everly Rico)