Todo apela ngayon ang ilang world leaders sa Amerika at Iran na maging kalmado lamang sa gitna na rin ng umiigting na tensiyon sa Gulf region.
Ang mga lider ng Europa ay nanawagan na sana ay ‘wag magpadalos dalos at gagawa ng hakbang na magpapalala sa umiiral na tensiyon.
Kabilang sa nagpaabot nang apela ay si European Council President Donald Tusk.
Si French President Emmanuel Macron ay nagpanukala na mahalaga pa rin ang pag-uusap nang magkabilang partido.
“So I invite all the parties to reason, to calm down and to discuss.”
Tinawag naman ng kampo ni German Chancellor Angela Merkell na welcome development ang desisyon ni US President Donald Trump na nagbago ng desisyon at hindi itinuloy ang pagresbak sa Iran.
“Naturally, we are worried about the situation and we’re counting on diplomatic negotiations for a political solution to a very tense situation,” bahagi pa nang pagkabahala ni Merkel.
Ang gagawin sana ng Amerika ay bilang ganti sa pagpabagsak ng Iran sa kanilang unmmanned vehicle o drone.
Una nang kinumpirma ni Trump na nakakasa na at pagpindot na lamang sa pagpapaulan ng missiles pero kanya itong pinigilan, 10 minuto bago ang go signal.
“We were cocked & loaded to retaliate last night on 3 different sights,” banagi ng tweet ni Trump. “10 minutes before the strikes I stopped it, not proportionate to shooting down an unmanned drone.”
Isa namang spokeswoman para kay British Prime Minister Theresa May ang umamin na regular umanong may contact ang United Kingdom sa US ukol sa Iran situation.
“We have said continuously that we are calling for de-escalation on all sides and have long made clear our issues with Iran’s activity,” pahayag pa ng UK spokeswoman. “We don’t believe escalation would be in any party’s interest and continue to talk to the US and our partners.”
Hindi rin nagpahuli ang Russia sa pakisawsaw sa usapin sa pamamagitan ni Dmitry Peskov.
“The situation in the Persian Gulf is very tense. We are extremely concerned about it, we’re following the situation carefully and we call on all sides involved to show restraint.”
Sa panig ng United Nations ay may biglaang pagpupulong sa Lunes habang nanawagan din na ‘wag palalain ang tensiyon.
“I have only one strong recommendation – nerves of steel,” mensahe naman ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres.
Para naman sa Vatican, dasal ang mensahe nito para hindi masadlak sa bagong giyera ang mundo.
Ang Saudi Arabia ay tiniyak ang all out support sa Amerika kasunod ng pulong nina Prince Khalid bin Salman, ang Saudi Arabia’s deputy defence minister kay US envoy for Iran, Brian Hook.