Tiniyak ng mga world leaders na sila ay tutulong sa nagaganap na kaguluhan sa Libya.
Sinabi ni United Nations (UN) Secretary General Antonio Guterres, na desidido ang mga iba’t-ibang leader ng mundo sa isinagawang summit sa Berlin.
Dinaluhan ito ni German Chancellor Angela Merkel, Russian President Vladimir Puti, Turkish President Recep Tayyip Erdogan, French President Emmanuel Macron, General Khalifa Haftar at United Kingdom Prime Minister Boris Johnson.
Bago ang nasabing pagpupulong ay pinulong ni Merkel ang dalawang lider ng Libya.
Magugunitang ipinagpipilit ni Haftar ang pamumuno sa Libya laban sa UN-backed Government of National Accord (GNA).
Hawak ni Haftar ang silangang Libya sa pamamagitan ng kaniyang Libyan National Army.
Sinabi naman ni Erdogan na dapat matapos na ang pinaglalaban na prinsipyo ni Gen. Haftar.
Nagpadala rin ng sundalo si Erdogan ng mga sundalo bilang suporta sa Tripoli government.