Labis ngayon ang paghingi ng paumanhin ni top-ranked tennis player Novak Djokovic sa mga players na nagkaroon ng COVID-19 na lumahok sa inilunsad nitong Adria Tour tennis tournament.
Pahayag ito ni Djokovic matapos na kumpirmahin nito na dinapuan din siya at ang kanyang asawang si Jelena ng deadly virus.
Matatandaang umani si Djokovic ng samu’t saring batikos dahil sa pag-organisa ng mga torneyo na nauwi sa pagkakatala ng maraming COVID-19 infection.
Pero ayon kay Djokovic, hindi raw nila ginustong mangyari ang kasalukuyang sitwasyon.
“I am extremely sorry for each individual case of infection. I hope that it will not complicate anyone’s health situation and that everyone will be fine,” wika ni Djokovic sa isang pahayag.
Layunin aniya ng torneyo na magpadala ng mensahe ng kapayapaan at pagkakapit-bisig sa mga kalahok mula sa iba’t ibang panig ng Europa.
“The Tour has been designed to help both established and up and coming tennis players from South-Eastern Europe to gain access to some competitive tennis while the various tours are on hold due to the Covid-19 situation.
“It was all born with a philanthropic idea, to direct all raised funds towards people in need and it warmed my heart to see how everybody strongly responded to this.
“Unfortunately, this virus is still present, and it is a new reality that we are still learning to cope and live with.
“I am hoping things will ease with time so we can all resume lives the way they were.”
Pero depensa ng world No. 1, inorganisa raw nila ang tournament sa panahong humina na umano ang virus, at nasunod naman daw ang mga kondisyong itinakda para sa pag-host ng event.
Sa ngayon, sumailalim na sa self-isolation si Djokovic na tatagal ng 14 na araw.
“I will remain in self-isolation for the next 14 days, and repeat the test in five days,” ani Djokovic.