Muling gumawa ng record si world No. 1 pole vaulter Modo Duplantis matapos niyang talunin ang world record holder sa 400 meter hurdle na si Karsten Warholm sa isang exhibition game.
Naglaban ang dalawang record holder sa 100 meter exhibition sprint at nagawa ni Duplantis na itala ang 10.37 secs habang inabot si Warholm ng 10.47 secs.
Ginawa ang exhibition sa pagitan ng dalawa sa Letzigrund Stadium sa Zurich, Switzerland.
Dahil dito, umani ng papuri ang No. 1 pole vaulter sa buong mundo matapos niyang talunin ang world champion sprinter bagaman hindi ito ang sports ni Duplantis.
Marami ring mga fans ang nagmungkahi kay Modo na pasukin na ang track and field maliban sa pole vault na kasalukuyan niyang nilalaro.
Sa kanyang karera sa pole vault, nagawa ni Duplantis na basagin ang hanggang sampung world record, pinakahuli dito ang nagawa niyang paglundag sa 6.26 meters sa nakalipas na Paris Olympics.