-- Advertisements --
Ginulat ni Shelby Rogers ng US si World Number 1 Ashleigh Barty ng Australia sa ikatlong round ng US Open sa New York.
Nakapagtala si Rogers ng 6-2, 1-6, 7-6 (7-5).
Dominado ni Rogers na ranked 43rd sa buong mundo ang first round hanggang naging matindi ang laban sa ikalawa at ikatlong round.
Ito rin ang unang panalo ni Rogers ng makalaban ang No. 1 ranked na kalaban.
Susunod na makakaharap nito si Emma Raducanu ng Britanya.