-- Advertisements --

Inaresto at sinampahan na ng kaso si world number one golfer Scottie Scheffler dahil sa pag-atake sa isang police officer.

Naaresto siya sa Valhalla Golf Club ilang oras bago ang ikalawang round ng US PGA Championship.

Pinakawalan din ang 27-anyos na golfer matapos na kuhanan siya ng mugshot ng Louisville Metropolitan Department of Correctionsa at nakahabol siya sa kaniyang tee-off time.

Sinabi nito na ang pangyayari ay isang hindi pagkakaintindihan lamang .

Nahaharap na ito ng mga kasong econd-degree assault of a police officer, third-degree criminal mischief, reckless driving and disregarding traffic signals from an officer at nakatakdang humarap sa korte sa araw ng Martes.

Sinabi naman ng kaniyang abogado na si Steve Romines na may mga nakasaksi sa insidente at sinasabing walang ginawang anumang masama ang golfer at mapayapang sumunod sa mga utos ng kapulisan.