-- Advertisements --

Nagdesisyon na si world number 3 tennis star Stefanos Tsitsipas na ito ay magpapabakuna laban sa COVID-19.

Ito ay matapos na batikusin siya ng Greek government matapos na sabihin na magpapabakuna lamang ito kapag mandatory sa bawat tennis tournament.

Paliwanag ng 23-anyos na tennis star na hindi siya persona na nagpo-promote ng vaccination.

Hindi aniya ito kontra sa pagpapabakuna subalit suportado niya ang mga nagpapabakuna.

Tennis player lamang siya at hindi health experts kaya wala itong kaalaman sa mga bakuna.