Nakikiisa ang Malacañang sa paggunita ng World Press Freedom Day ngayong araw.
Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, patuloy na irerespeto ng Duterte administration ang press freedom sa bansa taliwas sa mga alegasyon ng mga kritiko.
Ayon kay Sec. Andanar, kabilang sa patunay na iginagalang at pinoprotektahan ng administrasyon ang mga mamamahayag sa bansa ay ang pagtatag ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).
Tiniyak pa ni Andanar na patuloy ang kampanya ng PCOO laban sa disinformation o pagpapakalat ng fake news dahil isa umano ito sa sumisira sa malayang pamamahayag.
“Asahan niyo po na patuloy na irerespeto ng Duterte administration ang press freedom sa bansa taliwas sa mga alegasyon ng iilan. Ilan lamang po sa mga patunay na iginagalang at pinoprotektahan ng administrasyon ang mga mamamahayag sa bansa ay ang Presidential Task Force on Media Security o PTFoMS na agad na nilagdaan ng pangulo sa unang mga buwan ng kanyang pamamahala,” ani Sec. Andanar.