CEBU CITY — Binigyang-diin ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas ang kahalagahan ng radyo sa kabila ng pag-usbong ng bagong teknolohiya.
Ayon kay Herman Z. Basbaño ng Bombo Radyo Philippines, na sya ring Chairman ng KBP na mahalaga ang radyo hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.
Ito ang naging mensahe ng KBP Chairman kasabay ng pagdiriwang ng World Radio Day sa buong mundo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo kay Basbaño, sinabi nito na umuunlad na ang radio industry lalo na at sumabay na rin ito sa digital technology.
Naniniwala si Basbaño na gagawin ng mga himpilan ng radyo ang tama lalo na at pinahahalagahan nito ang freedom of the press.
Samantala, nakikita naman ni Tudela, Camotes Mayor Greman “Jojo” Solante na malaki ang naging papel ng radyo sa komunidad at sa governance.
Ayon kay Solante, na syang dating station manager ng Bombo Radyo Cebu, na nanatili ang naturang platform upang paglingkuran ang publiko sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mahalagang mensahe nito.
Ipinagdiriwang ngayong araw, Pebrero 13 ang World Radio Day sa temang “We Are Diversity, We Are Radio.”