-- Advertisements --
image 189

Bumagsak ng walong puwesto pababa ang ranking ng National basketball team Gilas Pilipinas para mapunta sa ika-41 ranggo.

Ito ang inanunsiyo ngayon ng international governing body para sa basketball kaugnay sa paglalabas ng latest rankings ng mga bansa kasunod ng fourth window ng 2023 Fiba World Cup qualifiers at ang iba-iba pang mga continental championships.

Dati ang ranggo ng Pilipinas ay nasa ika-33.

Bago ito ay nakapuwesto ang Pilipinas sa ika-33rd sa buong mundo pero sa ngayon mas mataas pa sa Pilipinas ang ranggo ng Korea (34th), Jordan (35th), at Japan (38th) in the Asia-Pacific region

Sinasabing may kinalaman sa pagbaba ng rankings ng Pilipinas ay dahil sa masaklap na pagkatalo kamakailan sa first rounds qualifiers na tinambakan ng New Zealand, gayunman ng masilata sila ng national team ng Lebanon.
Naitala rin ang worse finish ng Pilipinas sa nakalipas ng 15 taong nang pumuwesto lamang sa pang-9 ang mga Pinoy noong 2022 Fiba Asia Cup.
Samantala, nananatili pa rin naman ang Australia na highest-ranked team continent sa No. 3, sinusundan ng Iran at 21st, New Zealand at 24th, and China at 27th.