Ipinagpaliban na muna ng Grammy winner na si Billie Eilish ang nalalabing bahagi ng kanyang world tour dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa paliwanag ni Eilish, ang nasabing pasya ay nabuo bilang pag-iingat na rin daw sa nasabing sakit.
Hinimok naman nito ang kanyang mga fans na manatiling ligtas at huwag munang umalis ng kanilang tahanan.
Tiniyak naman ng singer na magagamit pa rin ang mga nabili nang ticket sa magiging bagong petsa ng concert.
Kasama sa mga lugar na tutunguhin sana ng “Where Do We Go? World Tour” ni Eilish ang Estados Unidos, South America, Europe, at Asia.
Nakatakda rin sanang magkaroon ng performance ang 18-year-old singer sa Maynila sa Setyembre, ngunit wala pang inaanunsyo ang local promoter nito tungkol sa development.
Nakilala si Eilish sa kanyang album na “when we all fall asleep, where do we go?” na siyang dahila para kanyang maibulsa ang Grammys grand slam.