-- Advertisements --

ILOILO – Bibigyan ng parangal ang World War 2 veterans sa Panay kasabay ng ika-78 anibersaryo ng Liberation of Panay and Romblon bukas, Marso 18.

Sa buong isla ng Panay, 25 World War 2 veterans na lamang ang buhay kung saan 94 ang edad ng pinakabata habang 104 naman ang pinakamatanda.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Glenn CastaƱares, representative ng Sons and Daughters of the Philippine Veteran Association, sinabi nito na
10 war veterans ang paparangalan ngunit ang iba sa kanila ay magpapadala na lamang ng representative dahil hindi na kaya pang bumangon at bumyahe.

Isasagawa ang seremonya sa Balantang Memorial Cemetery National Shrine sa Quintin Salas, Jaro, Iloilo City.

Ito ang unang face to face commemotation ng Liberation of Panay mula 2019 dahil sa Covid-19 pandemic.

Ang Panay Liberation Day o ang Panay Landing Day ay isang annual event para gunitain ang pagbawi ng Allied Forces ng isla ng Panay mula sa mga mananakop o Japanese Imperial Forces noong World War II.