-- Advertisements --

DENR1

Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Biodiversity Management Bureau (BMB) ang pagdiriwang ng 2022 World Wildlife Day (WWD) ngayong araw na may temang, “Recovering key species for ecosystem restoration.”

Ayon kay DENR OIC Secretary Jim Sampulna, layon ng selebrasyon ng World Wildlife Day (WWD) ngayong taon ay para makakuha ng atensiyon lalo na sa mga tinaguriang most critically endangered species of wild flora and fauna, ang kanilang role sa ecosystem, at ang kahalagahan ng mga ito.

Sinabi ni Sampulna, target nila na magkaroon ng diskusyon para magpatupad ng mga bagong solusyon para sa gagawing pag conserve and sustainably sa mga wildlife species.

Dagdag pa ni Sampulna, bilang paggunita sa nasabing aktibidad, ang DENR ay magkakaroon ng webinar kung saan iso-showcase dito ang ginagawang conservation effort sa ilang mga key species gaya ng rufous hornbill (Buceros hydrocorax), tamaraw (Bubalus mindorensis), Philippine cockatoo (Cacatua haematuropygia), at dugong (Dugong dugon) at iba pang mga endangered species.

Ayon naman kay BMB OIC Director Natividad Bernardino na sa ngayon ang Pilipinas ay mayruong mahigit 1,000 species na mga halaman at mga hayop na kabilang sa mga threatened species.

Ang World Wildlife Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-tatlo sa buwan ng Marso.

Ginugunita din sa araw na ito ang signing of the Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora or CITES nuong 1973.