-- Advertisements --
Source: Flyspot.com/Deepspot

Usap-usapan ngayon ang itinuturing na magiging pinakamalalim na pool sa buong mundo na magbubukas sa Poland ngayong taon.

Ang Deepspot pool, na sinasabing puwedeng maging training spot para sa mga professional scuba divers, ay maglalaman ng 8,000 cubic meters ng tubig, at may lalim na 45 meters (148 feet).

Sa kasalukuyan ay tinatapos na ang konstruksyon sa nasabing pool na matatagpuan sa bayan ng Mszczonow, halos 30 milya ang layo mula sa Polish capital na Warsaw.

Pagmamalaki ng mga designers, maaari raw itong gamitin ng mga beginners at ng ekspiryensyadong mga divers.

Sa mga ayaw naman umanong mabasa at gusto lamang i-enjoy ang mga pasilidad, puwede raw gamitin ang ilalagay ding underwater tunnel.

Sa oras na magbukas ito, mahihigitan na nito ang Y-40 Deep Joy ng Venice, Italy para sa unang puwesto.

Sa kabila nito, hindi rin daw tatagal ang paghahari ng Deepspot pool dahil may magbubukas na mas malalim na pool sa Britanya sa 2020.

Ang Blue Abyss, na matatagpuan sa Colchester, ay may lalim umanong 50 metro. (CNN)