Itinuturing na ngayon na world’s largest lotto prize ang US Powerball jackpot grand prize na maaring meron ng manalo bukas.
Ito ay makaraang umabot na ang premyo ngayon sa $1.6 billion o katumbas sa P93.6 billion.
Tuloy-tuloy ang paglobo ng jackpot prize mula ng huling mapanalunan ang grand prize noong pang August 3 sa Pennsylvania.
Sinasabing magaganap ang pagbola sa Florida Lottery studio.
Ang huling Powerball record jackpot ay nangyari noon pang 2016 kung saan ang mga masuwerteng nanalo ay nagmula sa California, Florida at Tennessee na naghati hati sa $1.586 billion jackpot.
Batay sa mga mathematician ang tiyansa ng mananalo sa jackpot ay “one in 292.2 million” ito ay batay rin sa mga Powerball organizers.
Kung sinuman ang mananalo sa naturang record breaking prize ang US tax authorities ay may kahati na 40 percent sa jackpot, gayundin ang estado at local authorities ay meron ding bahagdan.