-- Advertisements --
benham rise map

LEGAZPI CITY – Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko matapos na lumabas sa isang pag-aaral na ang “Apolaki Caldera” sa Benham Rise ang posibleng pinakamalaking “caldera” sa buong mundo.

Ayon sa Filipina marine geophysicist na si Jenny Anne Barretto at dalawa pang foreign scientists na nagsagawa ng pag-aaral, nasa 150 kilometro ang diameter ng Apolaki o nasa 90 kilometers na mas malaki sa Yellowstone caldera na itinuturing na isa sa pinakamalaking caldera sa daigdig.

renato solidum Phivolcs
Phivolcs director and DOST Usec. Renato Solidum

Paliwanag ni Phivolcs director at DOST Usec. Renato Solidum sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ang caldera ay ang malaking crater na nalikha ng pagsabog ng isang bulkan.

Bahagi aniya ng ocean island plateau ang Benham Rise sa Philippine Sea na malaking bulkan na may kakayanang magbuga ng mataas na volume ng lava.

Subalit ayon kay Solidum, matagal nang hindi aktibo at ilang milyong taon nang hindi sumasabog ang Apolaki.

Pag-aaral lamang umano ang nilalayon ng pagkatuklas nito at parte ng “mapping out” para makilala na sakop pa ng Pilipinas.

Ang Benham Rise ay nasa layong mahigit 400 kilometro mula sa rehiyong Bicol subalit kilala ito bilang “Kalipung-awan” na pangisdaan ng mga taga-Catanduanes.

Note: Pls. click above voice clip of Phivolcs director and DOST Usec. Renato Solidum
caldera benham