BOMBO BACOLOD— Sinisiyasat na ng Guinness World Records ang mga ebidensya na makapagpatunay na ang 123 years old na lola na nakatira sa Kabankalan City, Negros Occidental ang pinakamatandang tao sa buong mundo.
Sa impormasyon nakalap ng Bombo Radyo, natanggap na ng Guinnes World Records ang mga dokyumento na makakapatunay sa edad ni Francisca Susano ng Barangay Oringao, Kabankalan City.
Si Susano ay magdidiwang ng ika-124 na kaarawan sa Setyembre 11.
Siya ang ipinanganak noong Setyembre 11, 1897 kung saan sakop pa ng mga Espanyol ang Pilipinas.
Sa interview ng Bombo Radyo Bacolod kay Lola Isca, ibinahagi nito na ang pagkain ng gulay ang sekreto sa mahabang buhay.
Minsan lang din ito kumakain ng karne.
Nag-asawa si Lola Isca sa edad na 14 at nagkaroon ng 14 na mga anak.
Walo na lamang sa mga anak nito ang buhay pa at may roon na itong mahigit sa 300 na mga apo sa 4th generation.
Sa ngayon, kinikilala ng Guinness World Records bilang pinakamatandang tao sa buong mundo si Kane Tanaka sa Japan sa edad na 117.