Piniling manatili ni world’s oldest tennis player Ukrainian Leonid Stanis-lavskyi sa kanyang bansa mula pa nang magsimula ang kaguluhan laban sa Russia nang February 24.
Si Stanislavsky ang may hawak ng Guiness World Record bilang pinakamatandang tennis player sa edad na 97. Nagsimula itong maglaro sa edad na 30 at nagpatuloy ito hanggang sa kasalukuyan.
Si Stanislavsky, ay nagtrabaho bilang engineer nang Second World War, at hindi nito inaasahang mabuhay pa sa sumunod na digmaan. Umaasa itong makarating pa hanggang sa edad na 100 at balak pa nitong malagpasan ang katakot-takot na kalagayan ng kanyang bansa.
Nang nakaraang taon, nakalaban nito sa laro si Rafael Nadal sa academy ng former world No. 1. Nakapaglaro na ito sa ibang bansa pati na sa World Championships, at European Championships.
Nagpag-alaman na tumanggi si Stanislavskyi nang alukin ng kanyang anak na dalhin ito sa Poland. Mas pinili nitong manatili sa kanyang tahanan at hintayin matapos ang kaguluhan.
Napag-alaman na may problema na ito sa kanyang pandinig kung kaya’t nakakatulog ito ng mahimbing sa gabi nang walang naririnig na kahit ano.