-- Advertisements --
image 56

Umabot na sa 1,017 katao ang namatay sa buong Bangladesh matapos nitong maitala ang tinaguriang ‘worst dengue outbreak’ sa kasaysayan ng naturang bansa.

Sa kabuuan ng 2023, halos 209,000 katao na ang naitalang nakapitan ng naturang sakit kung saan ang mahigit isanlibong kataong namatay ay yaong mga naitala lamang sa mga ospital, at hindi pa kasama ang mga hindi nadala sa pagamutan.

Ayon sa mga Bangladesh authorities, nagkakasikipan na rin sa mga ospital sa loob ng ilang buwan na outbreak, habang patuloy pa rin ang paglobo ng mga pasyente.

Maging ang mga supply ng IV Fluids o intravenous fluids ay nagkakaubusan na rin sa maraming ospital sa naturang bansa.

Naitala ang maraming bilang ng mga pasyente at mga namatay sa Mugda General Hospital, ang pangunahing ospital ng Bangladesh na matatagpuan sa kapital nitong Dhaka.

Idinadahilan naman ng mga otoridad sa naturang bansa ang mahinang preventive measure sna ipinapatupad na naging daan ng pagdami ng mga kaso.