Itinuturing ngayon ng gobernador ng lalawigan ng Cagayan na pinakamalalang pagbaha ang nangyari sa kanilang lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cagayan Gov. Manuel Mamba, sinabi nito na sa nakalipas na 15 taon ito na ang “worst floodings.”
Noong nakaraang taon ay may nangyari ring mga pagbaha pero hindi umano katulad ngayon na dumaan ang bagyong Rolly at sinundan pa nang pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam.
Ang dam ay nasa bahagi ng Ifugao at Isabela.
Dahil dito hindi na umano madaanan ang mga kalsada patungong Isabela at ilang mga national highway patungo naman ng Ilocos region.
Umaabot din sa 23 mga bayan na binubuo ng 135 na mga barangays ang apektado ng mga pagbaha.
Nasa 40,000 din na mga indibidwal ang apektado kung saan 10,000 ang mga nasa evacuation centers.
Liban nito, ang iba naman ay minabuting manatili muna sa bahay ng kanilang mga kakilala at kaanak.
“Mag-15 year na rin akong gobernador at ito ang worst. We have the same last year,” ani Gov. Mamba sa Bombo Radyo. “Perennial problem namin ang flooding.”
Kinumpirma rin naman ni Gov. Mamba na apat na ang patay sa kanilang probinsiya matapos maganap ang landslide sa bayan ng Baggao.
Liban pa ito sa isang missing