Tinawag ngayon na pinakamatindi ang umiiral na tension sa pagitan ng China at Taiwan sa nakalipas na 40 taon.
Itinuring ni Taiwan Defense Minister Chiu Kuo-cheng na “pinaka-worst” ang nangyayari ngayon matapos magpalipad ang China ng kanilang mga eroplanong pandigma nang sunod-sunod sa nakalipas na apat na araw patungo sa kanilang tinatawag na air defence zone.
Kung maalala itinuturing ng Taiwan na sila ay may sariling estado o soberenya habang ang China naman ay itinuturing nila ang Taiwan bilang breakaway province.
Noong taong 1949 ang Taiwan ay humiwalay sa mainland China ng maupo sa puwesto ang mga lider kumunista.
Nangangamba naman ang defense minister ng Taiwan na kung ganito palagi ang ginagawa ng China na incursions ay baka mauwi ito sa “accidental strike o misfire.”
Kabado rin ang Taiwan na baka pagsapit ng taong 2025 ay mauwi na sa tuluyang full-scale invasion ang gagawin ng China sa kanilang isla.