Dumarami ng mga bansa sa Asya pati Pilipinas ang ramdam na ang epekto sa ekonomiya dahil sa paglaganap ng Coronavirus Disease.
Tinawag ng mga eksperto na ang nakalipas na mga araw ang pinakamatinding epekto lalo na sa stock market ng mga bansa sa Asya dahil sa coronavirus scare.
Ang mga bansa kasi sa Asya tulad ng Pilipinas ay masyadong umaasa sa turismo at pakikipagkalakalan sa China na siya namang epicenter ng COVID-19.
Nitong taon lamang ang Thailand, Indonesia at Pilipinas ay napabilang na sa world’s 10 worst performing markets.
Ngayong linggo lamang ang stock market ng Malaysia at Thailand ay pumasok na sa “bear market” dulot ng heaviest losses kasunod ng pagkaalarma ng mga investors.
Ang stock market ng Indonesia at Pilipinas ay nalugi na ng 19 percent. Habang ang stock market ng Singapore ay sumadsad naman ng 17 percent.
Sa Amerika ang kanilang tinatawag na DOW Jones ay bumadsad din ng hanggang sa 11 porsyento, kaya tuloy tinatawag itong worst week mula nang magsimula ang health crisis.
Sinabi pa ng mga analyst ang pagsadsad ng stock market ng Amerika ang pinakamalala makalipas ang 10 taon, kung ikukumpara noong kasagsagsan ng financial crisis.