CAGAYAN DE ORO CITY – Pinayuhan ng grupong Philippine Muslim Teacher’s College (PMTC) Institute of Iranun Studies si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi ibabatay sa technicality claims ang pag-angkin ng mga isla sa loob ng West Philippine Sea bagkus ay sasandal sa kasaysayan.
Ganito ang panukala ni PMTC Institute of Iranun Studies chairman Nasser Salih Sharief kung nais ng Pilipinas ang matibay na posisyon nito patungkol sa isyu laban sa China na gumamit ng sobra-sobrang puwersa.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Sharief na ginamitan ng Tsina ng historical claims ang pag-angkin ng mga islang pasok sa Pilipinas dahil alam nila na hindi ito ang pinagbatayan ng national government.
Sinabi nito na sapat ang hawak ng PMTC Institute of Iranun Studies na historical narrative upang pataubin ang maniobra ng Tsina dahil mga ninunong Mindanaoans ang unang labas-masok sa mga pinag-aagawan na teritoryo.
Pagbabanggit pa ni Sharief na naglalayag na sa larangan ng mga pangangalakal ang unang mga ninuno ng Pilipinas 250 A.D subalit napadpad lang ang lahing mga Tsino pagdating na ng 12th century.