CAGAYAN DE ORO CITY – Bagamat bukas na usapin subalit hindi umano prayoridad ng mga taga-China ang sigalot na kinasangkutan ng kanilang armadong-puwersa ang Pilipinas sa usaping West Philippine Sea.
Ito ang paglalahad ng China-based Bombo Internationl News Correspondent Zussane Nagac kung paano tinanggap ng mga lahing Intsek ang at Filipino community ang mainit na isyu ng teritoryo sa pagitan ng Pilipinas.
Sinabi ni Nagac na paghahanap ng kada-araw na mapagkitaan o siksik ng trabaho ang mga Tsino at tila pinagbabawalan ito ng kanilang gobyerno na makisawsaw sa usaping West Philippine Sea.
Inihayag rin nito na bagamat nagka-subukan ng pasensiya at puwersa ang magkatunggaling Pilipinas at China sa talakayang teritoryo subalit maayos umano ang pakikitungo ng mga residenteng Chinese sa Pinoy workers.
Magugunitang kailangan umano magdoble sikap ang local residents sa China dahil hindi gaano kalakihan ang mga kanilang mga sahod kumpara sa foreign workers na kinabilangan ng mga lahing Pinoy.