-- Advertisements --

Gumawa ng kasaysayan ang Wrestlemania 35 sa panalo ni Becky Lynch.

Ito ay matapos sa loob ng 35 taon ay naging babae lahat ang laban.

Sa nasabing laban ay nagwagi si Lynch ng talunin sina UFC fighter Ronda Rousey at Charlotte Flair para makuha ang Smackdown at Raw champion.

Umabot sa mahigit $16.9 million ang kabuuang kita na nahigitan ang $12.3 million ng WrestleMania 29 noong 2013.

Naging pangalawang pinakamaraming nanood sa buong kasaysayan ng WWE na ang nanguna ay ang WrestleMania 32.