-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating WWE wrestler na si James Harris sa edad 70.

Hindi naman kinumpirma ng kaanak nito kung ano ang sanhi ng kamatayan ng tinaguriang “Ugandan Giant”.

Nagsimula ang kaniyang wrestling career sa WWF noong 1984 at sa loob ng dalawang dekada ay nakaharap nito ang ilang mga sikat na wrestlers gaya nina Hulk Hogan, The Undertaker at Andre the Giant.

Ayon sa WWE, sa taas nitong 6-foot-7 at bigat na 350 pounds ay labis ang ginagawa nitong pagterrorized ng kaniyang mga kalaban at pagbibigay ng kasiyahan sa maraming mga fans.

Nagpaabot naman ng kani-kanilang pakikiramay ang mga dating nakasama nito sa WWE sa pamamagitan ng pagpost sa kanilang social media.