-- Advertisements --

Nagpapagaling na ang kilalang wrestler na si Paul Levesque o kilalang si Triple H.

Ito ay matapos ang matagumpay na operasyon nito sa puso noong nakaraang linggo.

Ayon sa WWE, na matapos na dumanas ng cardiac arrest ang wrestler noong nakaraang linggo ay dinala ito sa Yale New Haven Hospital.

Kasalukuyan siya ang executive vice president for global talent strategy and development ng WWE si Levesque.

HIndi na naging aktibo ang 52-anyos na 14-time world champion at nakatuon ito sa trabaho.

Huling lumaban ito noong Enero kay Randy Orton.