-- Advertisements --
Tuluyan ng binitay ang Iranian wrestling champion na si Navid Afkari.
Ito mismo ang kinumpirma ng kampo ng 27-anyos na wrestler na ginanap ang pagbitay sa Adelabad prison sa Shiraz city.
Inakusahan kasi itong nanaksak ng isang empleyado ng water supply company ng sumali siya sa 2018 peaceful protest.
Dahil dito ay pinatawan siya ng dalawang beses na parusang kamatayan.
Magugunitang maraming mga sports officials at maging si US President Donald Trump ang umapela na huwag ng ituloy ang nasabing pagbitay kay Afkari.