-- Advertisements --

Pumanaw na ang wrestling legend na si Kevin Sullivan sa edad na 74.

Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak subalit hind na nagbigay pa ng dahilan ng kamatayan nito.

Nakilala ang wrestler na isang matinding karibal ni wrestling legend Hulk Hogan.

Lumaki siyia sa Cambridge, Massachusetts kung saan sumikat siya sa Florida mula dekada 70 at 80 na hawak ang NWA Florida Heavyweight Championship.

Hawak din ang NWA Florida Tag Team Championship at NWA South Heavyweight Championship ng apat na beses.

Mula 1987 hanggang 1991 ay sumabak siya sa Jim Crockett Promotions na ngayon ay nakilala bilang WCW.

Doon siya nakilala bilang lider ng Dungeon of Doom at tinawag ang sarili bilang Taskmaster.

Ilang mga wrestlers ang nagbigay pugay sa namayapang si Sullivan na pinangunahan nina Triple H, Ric Flair at maraming iba pa.