-- Advertisements --

Nagpasya na si wrestling legend Ric Flair at asawang Wendy Barlow na maghiwalay.

Sa social media account ng 75-anyos ay kinumpirma ni Flair ang paghihiwalay matapos ang anim na taon na pagsasama.

Pinasalamatan nito ang kaniyang asawa sa masayang pagsasama.

Ang dalawa ay panandaliang naghiwalay noong 2022 pero nagkabalikan matapos ang ilang buwan.

Ito na ang panglimang pagkakataon na naghiwalay sa asawa ang wrestling legend.

Ikinasal na kasi ito kina Leslie Goodman, Elizabeth Harrell, Tiffany VanDemark at Jaqueline Beems