Inihain ng isang samahan ang petisyon na Writ for Certiorari and Prohibition laban sa Maritime Industry Authority o MARINA.
Kung saan isinumite ito ng Philippine Inter-Island Shipping Association Inc. (PISA) sa Manila Regional Trial Court upang idulog na sa korte ang kanilang hinaing.
Sa petisyong inihain, kasama rito ang panalangin ng pagkakaroon ng Temporary Restraining Order (TRO) at Writ of Preliminary Injuction para kontrahin ang inilibas na advisory ng MARINA.
Mariin kasi nilang tinututulan ito partikular sa MARINA Advisory No. 2023-18, 2023-28, at 2025-01 kung saan labag raw umano ito sa domestic maritime regulations at international safety standards.
Giit ng naturang samahan, tanging certified at classified vessels na passenger service lamang raw ang maaring magsakay ng pasahero na base sa isinasaad ng Section 8, MARINA Circular 2003-007 at Domestic Shipping Development Act of 2004.
Paliwanag pa nila, ang Landing Craft Tanks (LCTs) ay nararapat na nakalaan lamang raw sa mga cargo at sasakyan dahil sa umano’y kulang ito ng mga passenger safety features.
Pati ang technical standards na siyang kinakailangan bago magsakay ng mga pasahero para maging passenger vessels ay hindi rin anila pasok.
Kaugnay pa rito, naniniwala ang naturang grupo na walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng mga sasakay sa Landing Craft Tanks na sapagkat kapos ang lufesaving equipments nito at emergency preparedness.
Kaya naman hiling nila sa inihaing petisyon na mapatigil o maglabas na ang korte ng TRO at Writ of Preliminary Injunction upang mapigilan na ang pagpapatupad nito.
Lalo na’t mariin pang iginiit nila na posibleng malagay sa alanganin ng kapamahakan ang mga pasahero at maging ang domestic shipping industry ay maaring maapektuhan.