Nirerespeto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging desisyon ng Korte Suprema sa inilabas na “Writ of amparo ” at “Habeas data” na pumabor sa petisyon ng National Union of Peoples Lawyers (NUPL).
Ayon kay AFP Spokesperson Marine BGen. Edgard Arevalo, desisyon at prerogative ng Supreme Court ang nasabing desisyon.
Sinabi ni Arevalo na ang AFP ay isang institusyon na nirerespeto ang rule of law.
Binigyang-diin ni Arevalo na handa ang AFP na ihayag ang katotohanan sa korte kapag iprinisinta nila ang kanilang panig laban sa walang basehang akusasyonb ng NUPL.
Kinatigan ng Supreme Court ang petisyon ng writ of amparo at habeas data pabor sa NUPL.
Inakusahan ng NUPL ang AFP ng paglabag at harassment sa kanilang hanay.
Ang NUPL at iba pang mga progresibong organisasyon ay umanoy may alyansa sa CPP-NPA.
Sa reklamo ng NUPL,itinala sila na kaaway ng batas ng Philippine Army nuong 2013 at nuong 2014 pumalag si NUPL Vice President Atty. Catherine Salucon na umano’y ginagawang surveillance ng militar sa kanilang grupo.
“We are committed to tell the Honorable Supreme Court nothing but the truth when we present our side that acts attributed to the AFP are mere imputations and allegations,” pahayag ni Arevalo.
Home Top Stories
Writ of amparo,habeas data ng SC nirerespeto ng AFP
-- Advertisements --