-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang writer at novelist na si Lualhati Bautista sa edad 77.

Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak nitong umaga ng Linggo.

Hindi na nito binanggit pa ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Nakilala si Bautista sa gaya nitong “Dekada ’70” , “Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa?” at “Gapo”.

Naging vice presidente siya ng Screenwriters Guild of the Philippine at chairman ng Manunulat ng Nobelang Popular.

Nabigyan ito ng Diwata Award for best writer at the 16th International Women’s Film Festival of the UP Film Center.

Naging aktibo rin si Bautista sa pagpuna ng mga political at social system.