-- Advertisements --

Hindi kuntento ang Women’s Tennis Association (WTA) sa pag-uusap ng International Olympic Committee at Chinese tennis star Peng Shuai.

Ayon sa WTA na bagamat nasisiyahan sila na nasa mabuting kalagayan ang Chinese tennis star ay hindi ito sapat.

Nararapat aniya na tugunan ng mga otoridad ang alegasyon nito.

Magugunitang matapos na ibunyag ni Peng sa kaniyang social media ang sexual assault ng dating vice premier ay hindi na ito nakita pa.

Subalit nitong nakaraang araw ay nakausap sa pamamagitan ng video call ni IOC President Thomas Bach si Peng at sinabing nasa mabuti at ligtas na kalagayan ito.