-- Advertisements --
Nagbanta ang Women’s Tennis Association (WTA) na hindi itutuloy ang mga torneo nila sa China.
Ito ay kapag hindi sila kuntento sa gagawing imbestigasyon ng China sa alegasyong sexual assault ni Chinese tennis star Peng Shuai kay dating vice-primier Zhang Gaoli.
Sinabi ni WTA chief executive Steve Simon na mawawalan ng ilang milyong dolyar ang China kapag hindi nila itinuloy ang nasabing torneo.
Magugunitang ibinunyag ni Shuai sa social media na ito ay inalok na makipagtalik noon ni Gaoli.