-- Advertisements --

Nanawagan ang namumuno sa women’s professional tennis tour ng full investigation sa allegasyon ng sexual assault ni 2-time grand slam doubles champion mula sa China na si Peng Shuia.

Sinabi ni WTA chairman and CEO Steve Simon na dapat purihin si Shuai dahil sa lakas ng loob na lumantad para ireklamo ang mataas na opisyal ng China.

Nararapat na siya ay pakinggan at seryosong tratuhin ang nasabing alegasyon ng nasabing tennis player.

Magugunitang ibinunyag ni Shuai na si Zhang Gaoili ang dating vice premier at miyembro ng ruling Communist Party na Politburo Standing Committee na siya pinilit na makipagtalik tatlong taon na ang nakakalipas.

Ito ang unang pagkakataon na lumantad ang isang tennis player laban sa mataas na opisyal ng China.