-- Advertisements --

Patuloy na mino-monitor ng Department of Health (DOH) ang lagay ng 32 Pinoy at repatriation team na sumundo sa Hubei province, China nitong weekend dahil sa banta ng novel coronavirus (nCoV).

Kinumpirma ng DOH na mula nang dumating ang mga Pinoy kahapon ay wala sa mga ito ang nagpakita ng senyales na posibleng infected ng sakit.

Mula sa orihinal na 56 na Pilipino, 32 lang ang umuwi sakay ng chartered flight ng Royale Air.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, may mga nag-last minute back out bago pa man magtungo ang kanilang team noong Sabado.

May ilan ding hindi pa naaayos ang mga gusot sa Chinese Immigration kaya hindi nakasama sa biyahe.

“Marami sa ating mga kababayan ngayon sa China ay mayroon kailangan ayusin sa kanilang Immigration status,” ani DFA Usec. Brigido Dulay.

“We really open this for everyone in Hubei. Among the 300 Filipinos (in Hubei) these are the only people who manifested,” ani DFA Usec. Sarah Lou Arriola.

Limang ospital sa Central Luzon ang naka-toka para magsalitan sa monitoring ng repatriated Pinoys.

Kabilang dito ang Jose B. Lingad Hospital, Bataan General Hospital, Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center Hospital, Talavera General Hospital, at Mariveles Wellness Hospital.

Nasa athlete’s village na ngayon ng New Clark City sa Capas, Tarlac ang nasabing bilang ng mga Pinoy kasama ang isang sanggol para sa 14-araw na quarantine.

Naroon din ang limang personnel ng DOH, at tatlo mula sa DFA na nangasiwa sa repatriation.

Ayon kay Health Usec. Gerardo Bayugo, maayos naman ang naging koordinasyon ng mga Pilipinong dumating mula Hubei.

Bukod sa maayos na pasilidad gaya ng libreng pagkain, wifi at kits ay may team din daw na darating para mag-assess sa mental health ng mga repatriated Pinoy.

Limang ospital sa Central Luzon ang naka-toka para magsalitan sa monitoring ng repatriated Pinoys.

Kabilang dito ang Jose B. Lingad Hospital, Bataan General Hospital, Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center Hospital, Talavera General Hospital, at Mariveles Wellness Hospital.