Bagama’t tila showdown sa sexy pictorial sa sikat na fashion magazine na nakabase sa Vietnam, pawang papuri sa Pinay girl power ang nangibabaw kina Pia Wurtzbach, Kylie Versoza, Angelia Ong, at Megan Young.
Una ay mula sa mala-“Temptation Island” na tema para sa 10th anniversary ng Harper’s Bazaar Vietnam, kung saan suot ng apat na Pinay beauties ang mga dress na hango sa kulay ng bandila ng Pilipinas.
Hindi pa nagpaawat ay inirampa naman ng mga ito ang candy-colored outfits kung saan mas lumitaw ang hubog ng katawan ng mga ito.
Nagkakaisa sila sa pagsasabi na oportunidad na makatrabaho ang beauty queen sisters kahit tapos na ang sinalihang pageant upang makapagbigay ng inspirasyon, lalo ngayon na patuloy pa ang coronavirus pandemic.
Ong: “This is also a meaningful gift for our fans, who have always supported and stood by our side for many years.”
Wurtzbach: “My opinion probably also represents the thoughts of many other people: Beauty contests are not just about beautiful clothes. They have become avenues for sharing inspirational stories and fighting for meaningful issues.”
Young: “There’s always something new. Every time we meet, we have a story to tell. It’s great that everyone used to be the face of the Philippines. I love hearing you share your feelings and experiences.”
Versoza: “It’s fun to take pictures together. For the first time, the four were together in the same room. But even before that, when discussing the preparations – we clearly shared the same energy. Energy radiates from a desire to achieve a goal, when everyone wants to achieve the best results. Everyone contributes.”
Ang apat na Pinay beauties ay pare-parehong tagumpay sa pagkakasungkit ng title gaya sa Miss Universe para kay Pia noong 2015, Miss Earth para kay Angelia noong 2015 din, first ever Miss World ng Pilipinas sa pamamagitan ni Megan, at Miss International 2016 na si Kylie.
Gayunman, “all taken” na ang mga ito kung saan kasintahan ni Versoza ang aktor na si Jake Cuenca, umamin naman si Ong na mayroon na ring boyfriend, habang inaasahan ng fans na magiging engaged na si Wurtzbach sa Venezuelan businessman na si Jeremy Jauncey, at kasal na si Young sa aktor na si Mikael Daez.