Hangad ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na maalis na ang induced lockdown na sitwasyon doon sa Dubai bunsod ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) Delta variant.
Ito’y bagama’t enjoy si Wurtzbach na kasama na uli niya ang Venezuelan businessman boyfriend, matapos ang ilang buwan na LDR o long distance relationship.
Ayon sa 32-year-old half German beauty mula Cagayan de Oro, nalungkot siya bigla para sa mga overseas Filipino worker (OFWs) na hindi makauwi sa Pilipinas gaano man gustuhin dahil na-trap na ng pandemya.
“I really feel for them (OFWs). May mga nakilala at nakausap na rin ako dito at ‘di nga sila makauwi,” ani Wurtzbach.
Nabatid na bakunado na laban sa COVID-19 ang pangatlong Pinay Miss Universe at todo kampanya ito sa mga kababayang Pinoy na magpabakuna na rin upang maging protektado sa deadly virus.
Sa ngayon ay kanyang pinagtutunan ng pansin ang healthy lifestyle lalo’t mataas ang kanyang cholesterol.
Wala naman itong “say” hinggil sa panibagong pag-ugong ng balita na engaged na siya sa foreigner boyfriend.