-- Advertisements --

Nagbigay ng payo si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang mga hindi nagtagumpay sa katatapos na Miss Universe Philippines.

Sinabi nito na walang magiging problema sa pagkatalo at dapat ay laging positibo sa anumang bagay.

Kailangan muna ng magpahinga ng ilang buwan sa pageant ang isang tao kung nararapat para matanggal ang stress dulot aniya ng pageant.

Dagdag pa nito na dapat pag-aralang mabuti ng mga natalong kandidata ang mga pagkakamali para ito ay matuwid at magtagumpay na sila sa mga susunod na sasalihan na pageant.