Tila “love is in the air” pa rin para kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, bagama’t lumipas na ang Valentine’s Day.
Ito’y kasabay ng kanyang pagbahagi sa sikreto ng matatag na LDR o long distance relationship nila ng Venezuelan businessmann boyfriend.
Ayon sa 32-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro, time management at good communication ang mga sangkap kung bakit tumatagal ang relasyon nila ni Jeremy Jauncey.
“Naging perk na lang na kasama niya ako tapos na-e-enjoy ko din ‘yung pag-ta-travel dahil sa trabaho niya. Pero naka-base na din kasi siya sa Abu Dhabi ngayon kaya madalas kami magkita. Pero bumabalik pa din ako dito sa Pilipinas kasi nandito yung work ko,” ani Wurtzbach.
Dagdag nito, “I think kailangan may good and open communication lalo na sa akin (because) we don’t see each other all the time. Kasi parang in a way long distance relationship kami. Buti it’s important na lagi kaming nag-uusap, honest kayo, and meron kayong mga plano para meron kayong something to look forward to.”
Katunayan nitong Enero ay nagdiwang na sila ng kanilang pangalawang anibersaryo bilang magkasintahan kahit may mga okasyon na hindi nagkasama, gaya nitong nagdaang Araw ng mga Puso.
Noong nakaraang buwan lang din nang dapuan ng virus si Wurtzbach habang nasa United Kingdom kung saan siya nagpagaling kasama ang kanyang pamilya.
Sa Scotland naman ang unang pasyal nila ni Jeremy noong makarekober sa sakit.
Para sa pangatlong Pinay Miss Universe, tinitiyak nito na may oras siya sa trabaho dito sa Pilipinas at mapagbibigyan din ang foreigner boyfriend sa hilig na sila ay mag-travel together.