Naniniwala si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na hindi na nito kailangan ng anomang pakulo para lang maalala pa rin ng publiko kahit tapos na ang kanyang reign.
Pahayag ito ng 31-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro matapos ang matagal na pananahimik sa isyung umano’y threatened o tila kakompetensya nito ang half Australian beauty mula Albay na si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.
Pinakabagong pagpuna kasi sa pangatlong Pinay Miss Universe ay puro love life raw nito ang kanyang social media posts, habang si Catriona ay abala pa rin daw sa charity works kahit “taken” na rin.
Kung maaalala, kasintahan ni Wurtzbach ay ang Venezuelan businessman na si Jeremy Jauncey habang si Gray naman ay ang half Filipino actor na si “Sam” Milby.
Ayon kay Pia, walang dahilan para maging “bitter” siya sa achievement ng kapwa niya Pinay at sadyang may kanya-kanya lang silang istilo ng pagtulong sa kapwa.
“I was actually there when she won. I was actually almost in the front row,” saad nito sa panayam ng isang media organization sa Dubai. “It’s so nice to see from the audience’s point of view, because I’ve been there as a contestant. “I’ve been there as a judge, but it was my first time to be there as an audience member, where I’m literally there just to experience it. “I don’t have any responsibility to judge the girls, to write anything down. I’m just there to enjoy.”
Ilan pa mga akusasyon kay Pia ay ayaw daw nito ang eksenang nasundan agad ang pagkapanalo niya sa Miss Universe, gayong natagalan pa mula noong 1973 nang maibigay nito sa bansa ang korona sunod kay Margie Moran.
Nariyan din ang pagtanggap nito sa “Woman of The Year” title sa Xpedition Gala Awards 2020 na parehong parangal na iginawad kay Cat noong 2019.