-- Advertisements --
Itinuloy na ng World Wrestling Entertainment (WWE) ang pag-ere ng mga live matches matapos na ituring sila bilang “essential service” sa Florida.
Kahit na walang mga audience ay nagpatuloy ang nasabing laban.
Noong nakaraang mga linggo kasi ay nagpapalabas ang nasbing kumpanya ng pre-recorded programmes.
Sa naging anunsiyo ni Florida Governor Ron DeSantis na maaari nilang ipagpatuloy ang pag-ere bilang essential functions.
Binatikos kasi noon ang WWE dahil sa pagpapatuloy ng recording events dahil coronavirus pandemic at hindi sumali ang ilang wrestlers bilang pag-iingat na rin sa kanilang kalusugan.