-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaki dahil sa tangka nitong pagdukot kay WWE star Sonya Deville.

Ayon sa Hillsborough County Sheriff, pinasok ng suspek na si Phillip A. Thomas II, 24 ang bahay ni Deville sa Florida.

Phillip Thomas
Phillip Thomas/ Hillsborough County Sheriff

Armado umano ito ng kutsilyo, plastic zip ties, duct tape at mace.

Sinabi pa ni Sheriff Chad Chronister, na umabot ng walong buwan ang ginawang pagplano ng suspek sa kaniyang tangkang pagdukot.

Hinintay pa umano ng suspek na matulog si Deville subalit ng papasok na ito sa kuwarto ay tumunog ang alarm kaya tumawag ang biktima sa 911.

Naabutan ng mga otoridad ang suspek at inamin nitong balak niyang dukutin ang biktima.

Dahil dito ay nahaharap ito sa kasong aggravated stalking, armed burglary, attempted kidnapping at criminal mischief.