-- Advertisements --

Inanunsiyo ni WWE Raw Women’s Champion Becky Lynch na ito ay buntis.

Isinagawa nito ang anunsiyo sa weekly wrestling show na Raw kung saan bibitawan na niya ang kaniyang titulo at titigil na sa pagsali sa wrestling.

Beck Lynch
Becky Lynch/ Twitter Image

Itinuturing kasi si Rebecca Quin sa tunay na buhay na siyang pinakamatagal na Raw Women’s Champion.

Ipinaubaya na nito ang kaniyang titulo sa kapwar wrestler na si Azuka.

Ito ang unang anak ng 33-anyos sa nobyo nitong wrestler din na si Seth Rollins.

Isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon noong Mayo 2019 at inanunsiyio ang engagement noong Agosto.

Nagsimula ang career ng Irish wrestler noong 2013 kung aan nanalo ito ng Raw at SmackDown Women’s Championship title noong nakaraang taon.