-- Advertisements --

Nag-emergency landing ang isang World War-II plane sa Cocoa Beach, Florida.

Kabilang ang nasabing eroplano sa isang air-show subalit nagkaroon ng problema kaya ito ay nag-emergency landing.

Ayon sa mga otoridad na plano ng piloto na mag-landing malapit sa Patrick Space Force Base kung saan nagaganap ang air-show.

Para hindi na makapinsala pa ng mga gusali ay nagdesisyon ito na sa dagat na lamang siya mag-landing.

Wala namang naitalang nasaktan o nasugatan sa dagat kung saan puno ng tao ang nasabing karagatan.

Inaalam pang mabuti rin ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.