-- Advertisements --
Nabawi na ng dating actress na si Angel Locsin ang kaniyang X account o dating Twitter.
Kasunod ito na nagpost ang hackers ng cryptocurrency.
Nagpanggap pa ang hackers kung saan humingi pa ito ng paumanhin sa nasabing posting.
Sa social media account nito ay kinumpirma ng actress na na-hack ang kaniyang X kung saan binalaan niya ang publiko na anumang reply sa dito ay hindi galing sa actress.
Magugunitang nagpahinga sa paggawa ng pelikula ang actress ng ilang taon at abala sa pagtulong sa ibang tao.