-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nahuli ang isang dating drug surrenderee sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. Lioeng, Piddig, Ilocos Norte.

Nakilala ang subject ng operasyon na si Francis Albert Dumag, residente rin sa nasabing barangay.

Halos isang kilong napatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska umano ng mga otoridad sa posisyon ni Dumag.

Subalit iginiit ni Dumag na planted lamang ang mga nakuhang ebidensya laban sa kanya.

Samantala, naniniwala ang ina ni Dumag na si Marieta Dumag na may halong politika ang pagkakahuli ng kanyang anak dahil may mga kamag-anak silang kakandidato sa May election.

Dagdag pa ng inang Dumag na handa nilang ipaglaban ang kaso ng kanyang anak dahil naniniwala itong tuluyan na itong nagbago.

Napag-alamang ang batang Dumag ay dati nang gumagamit ng iligal na droga subalit itinigil niya ito noon pang 2014.